-- Advertisements --

Lumakas na sa Typhoon category ang bagyong Julian at patuloy pa rin na kumikilos palapit sa extreme Northern Luzon.

May lakas ito na hanging aabot sa 120 kph, pagbugsong nasa 150 kph at kumikilos pa northwest sa bilis na 15 kph.

Inaasahan na tutumbokin nito bukas ang parteng Batanes. Ayon sa state weather bureau, may posibilidad pa rin ito na maging super typhoon.

Samantala, bago naman ito umabot ng Taiwan, ay tutumbok na ang bagyo pa hilagang silangan at inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.