Napanatili ng bagyong Julian ang kaniyang lakas habang patuloy na binabagtas patungong Balintang Channel.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may karagatang bahagi ng Balitang Islands, Calayan, Cagayan.
May taglay ito ng lakas ng hangin na 155 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 190 kilometers per hour.
Nananatiling nasa TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) TCWS No. 4 ang Batanes, Babuyan Island at Calayan Island.
Habang ang nasa TCWS number 3 ang natitirang bahagi ng Babuyan Island at Santa Ana, Cagayan.
Ang natitirang bahagi naman ng Cagayan, Apayao at Ilocos Norte ay nasa signal number 2.
Nasa signal number 1 naman ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, the northern and eastern portions of Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad), and Polillo Islands.
Ayon pa sa PAGASA na maaaring mag-landfall ngayong umaga ng Lunes sa Batanes ang nasabing bagyo.
Patuloy ang pagbibigay babala ng PAGASA sa mga mangingisda na lubhang delikado ang paglalayag.