Napanatili ng bagyong Julian ang kaniyang lakas habang ito ay patungo sa Luzon Strait.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 155 kilometer West Southwest ng Itbayat, Batanes.
Mayroong taglay ito na lakas ng hangin ng 175 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 215 kph.
Nakataas ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) TCWS No. 3 sa Batanes habang nasa signal number 2 naman ang mga lugar ng Babuyan Islands, Ilocos Norte, the northern portion of Apayao (Calanasan, Luna), Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Abulug, Pamplona sa Cagayan.
Nasa signal number 1 naman ang mga lugar ng : Ilocos Sur, La Union, Pangasinan,natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Dilasag, Casiguran, Dinalungan sa Aurora, Carranglan, Lupao, Pantabangan sa Nueva Ecija.
Inaasahan na tuluyang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Julian sa hapon ng Martes, Oktubre 1 at ito ay nakatakdang maglandfall sa Taiwan sa araw ng Miyerkules.