-- Advertisements --
Inaasahang lalakas pa ang tropical storm Karding, habang patuloy itong lumalapit sa Northern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maaaring mag-landfall ang bagyo sa Isabela area sa darating na weekend.
Huli itong namataan sa layong 1,245 km sa silangan ng Northern Luzon.
Taglay ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 10 kph.
Samantala, ang iba pang bahagi ng bansa ay pinag-iingat naman sa hanging habagat na nagdadala ng pag-ulan, mula pa nitong mga nakaraang araw.