Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Karding.
Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical, Services Administration (PAGASA), dakong alas-8:00 ng gabi ng Lunes nakalabas ng bansa ang nasabing bagyo.
Dagdag pa nito, sa ngayon ay nagpapatuloy na kumikilos si ‘Karding’ pakanluran patungo sa bansang Vietnam.
Kung maalala na unang nag-landfall sa vicinity ng Burdeos, Quezon si ‘Karding’ bandang alas-5:30 ng hapon noong Linggo, habang dakong alas-8:20pm naman ang ikalawang landfall nito sa vicinity ng Dingalan, Aurora.
Unang ikinategorya bilang isang super typhoon si bagyong Karding nang dahil sa malakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin dahilan kung bakit isinailalim sa Signal No. 5 ang ilang bahagi ng Luzon at nag-iwan ng pinsala sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, at Zambales.
Samantala, patuloy naman ang pagpapaalala ng PAGASA sa posible namang maging epekto ng hanging Habagat.