Paiigtingin pa ng bagyong Kristine ang mga pag-ulan sa malaking parte ng bansa, habang ito ay papalapit sa ating bansa.
Ito’y makaraang makapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kaninang hatinggabi.
Huling namataan ang bagyong Kristine sa layong 1,050 km sa silangan ng Southeastern Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 30 km/h.
May lakas itong 55 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 70 km/h.
Dahil dito, nakataas ang ang signal number one sa Catanduanes para sa Luzon.
Sa Visayas naman ay sa northeastern portion ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Catubig, Lapinig) at northeastern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras).
Sa ngayon ay Cagayan Valley region ang target ng bagyo, ngunit maaari pa itong magbago sa mga susunod na araw.