Mas lumakas pa ang bagyong Kristine habang ito ay gumagalaw sa timog bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, na mayroon ng taglay na lakas ang bagyo na 65 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 80 kph.
May bilis ang paggalaw nito ng hanggang 15 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa mga lugar ng Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Enrile, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Tuguegarao City, Gattaran, PeƱablanca, Iguig, Lasam, Aparri, Allacapan sa Cagayan kasama ang Isabela at Quirino.
Kabilang din ang mga lugar ng Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya; Aurora, Tanay, Pililla, Jala-Jala sa Rizal; Majayjay, Magdalena, Pila, Santa Cruz, Pagsanjan, Luisiana, Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac, Nagcarlan, Liliw sa Laguna.
Ganun din sa Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres, General Nakar, Pitogo, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Lucena City, Lucban, City of Tayabas sa may Quezon, Polilio Island, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Ticao Island at Burias Island.
Habang sa Visayas ay kasama ang nakataas sa signal number 1 ang Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran at Southern Leyte.
Sa bahagi naman ng Mindanao ay nakataas ang signal number 1 sa Dinagat Islands at Surigao del Norte kasama ang Siargao -Bucas Grande Group.
Inaasahan na maglalandfall sa araw ng Miyerkules ang bagyo sa bahagi ng Isabela at tuluyang lalabas sa Philippine Area of Responsibility sa araw ng Biyernes.
Ibinabala pa rin ng PAGASA ang matinding pag-ulan sa mga lugar na nabanggit at mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang anumang paglayag.