Nagbuhos ng record-high na tubig-ulan ang bagyong Kristine sa loob ng 24 oras sa probinsya ng Camarines Norte.
Batay sa record ng state weather bureau, ibinagsak ng bagyong Kristine ang 528.5 millimeters ng tubig-ulan sa malaking bahagi ng naturang probinsya sa loob lamang ng 24 oras o isang araw.
Malaking bulto nito ay bumuhos sa bayan ng Daet.
Ayon sa weather bureau, huling nasilayan ang ganitong volume ng ulan noon pang 1920s.
Maliban sa Camarines Norte, nagbuhos din ang bagyong Kristine ng 431 millimeter ng tubig-ulan sa Legazpi City, Albay sa loob lamang ng 24 oras.
Ang naturang volume ay isa sa pinakamalaking volume ng tubig-ulan na bumuhos sa naturang lungsod.
Sa Camarines Sur naman, lubog sa tubig-baha ang malaking bahagi nito dahil na rin sa tuloy-tuloy na pag-ulang dulot ng bagyo.
Batay sa datus, halos 30 porsyento ng Naga City sa CamSur ay nalubog sa tubig baha kung saan humigit-kumulang 30% ng populasyon nito ay apektado.