-- Advertisements --
Tuluyan ng nakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo at pinangalanan na itong “Kristine”.
Ayon sa PAG-ASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 1,050 kilometers ng silangan ng Southeastern Luzon.
May taglay ito ng lakas na hangin na 55 kilometers per hours at pagbugso ng nasa 70kph.
Nakataas naman ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Catanduanes , orthern Samar Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Catubig, Lapinig sa Norther Samar, Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras sa Eastern Samar.
Ibinabala ng PAGASA na mapanganib pa rin ang paglayag sa mga karagatan.