Napanatili ng bagyong ‘Kristine’ ang kaniyang lakas habang ito mabilis na kumikilos sa timog bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, nakita nila ang sentro ng bagyo sa may 480 kilometers ng silangan ng Catarman, Northern Samar.
May taglay ito na lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Palanan, Dinapigue, Maconacon, Divilacan, San Mariano, Ilagan City, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, Cauayan City, Benito Soliven, Angadanan, Naguilian sa Isabela.
Maddela, Nagtipunan sa Quirino, Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya, Aurora,Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres, General Nakar, Pitogo, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real kasama ang Polillo Islands, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate kasama na ang Ticao Island at Burias Island.
Sa Visayas naman ay kinabibilangan ng Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Biliran at Southern Leyte habang sa Mindanao ay kinabibilangan ng Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama na ang Siargao – Bucas Grande Group.
Base sa pagtaya ng PAGASA na maaring mag-landfall ang bagyo sa Northern Luzon sa araw ng Huwebes at lalabas din sa Philippine Area of Responsibility sa gabi ng Biyernes.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at ang disaster risk reduction and management offices na maging alerto.