-- Advertisements --
Inaasahang lalakas pa ang tropical storm Leon na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,075 km sa silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 80 km/h.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 30 km/h.
Inaasahang lalakas pa ang TD Leon hanggang sa typhoon category, ngunit malabo itong mag-landfall sa alinmang bahagi ng Pilipinas.
Tinatayang bukas ng gabi ay kukurba ang direksyon nito patungo sa may hilagang bahagi ng Taiwan.