-- Advertisements --
Ganap nang naging supertyphoon ang bagyong Leon, habang nananatili sa Philippine area of responsibility.
Huling nakita ang sentro ng bagyo sa layong 360 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Ito ay may maximum sustained winds na 185 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at gustiness na aabot sa 230 kph.
Gumagalaw ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.