-- Advertisements --

Lumakas pa at ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,100 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Hindi naman ito inaasahang tatama sa alinmang parte ng ating bansa, dahil magiging pataas na ang takbo nito o patungo sa bahagi ng Japan.