-- Advertisements --
Magdadala pa rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang bagyong Marilyn.
Ayon kay Pagasa Weather Specialist Meno Mendoza, patuloy pa rin kasi umanong hahatakin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng pag-ulan sa Luzon at Visayas maging sa Mindanao.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,150 east ng Basco sa Batanes.
Taglay ng naturang bagyo ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsyong 70 kph.
Kumikilos ito pa-hilaga-hilagang silangan sa bilis na 10 kph.
Posible umanong papasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility bukas pero muling lalabas sa teritoryo ng bansa sa Lunes.
Hindi na raw asahang lalakas pa ang bagyong nasa tropical storm category.