-- Advertisements --
Bahagyang bumilis ang bagyong Maymay, habang nananatili sa silangang bahagi ng Aurora.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maaaring tumama ito sa lupa bukas ngunit hindi na bilang bagyo, kundi isang low pressure area (LPA) na lamang.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 190 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
May taglay na lakas ng hanging 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 10 kph.
Samantala, ang isa pang LPA ay namataan naman sa layong 650 km sa kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.