-- Advertisements --
Bahagyang bumagal ang tropical depression Maymay habang nagbabantang mag-landfall sa lalawigan ng Aurora.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 285 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Sa ngayon ay mabagal itong kumikilos sa pangkalahatang direksyong pakanluran.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama na ang Pollilo Islands.