-- Advertisements --
Napanatili ng tropical depression Maymay ang taglay nitong lakas ng hangin sa nakalipas na mga oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 265 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Pero sa nakaraang mga oras, walang gaanong pag-usad ang bagyo, kaya posibleng maantala ang pagtama nito sa lupa.
Nakataas ngayon ang signal number one (1) sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta), kabilang na ang Pollilo Islands.