-- Advertisements --
Posibleng pumalo na sa typhoon category ang bagyong may international name na Nanmadol at tatawaging bagyong Josie kapag nasa loob na ng Philippine area of responsibility.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,760 km sa silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.
May lakas na itong 110 kph at may pagbugsong 135 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 15 kph.
Sa ngayon, wala pa ring nakikitang posibilidad na direkta itong tumama sa alinmang parte ng Pilipinas. (With reports from Bombo JC Galvez)
Sa ngayon, wala pa ring nakikitang posibilidad na direkta itong tumama sa alinmang parte ng Pilipinas.