Bahagyang humina ang tropical depression Neneng habang tinutumbok ang direksiyon na west southwestward.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) natukoy ngayon ang sentro ng sama ng panahon sa silangan ng extreme northern Luzon sa layong 835 kilometers.
Taglay ng tropical depression ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometers per hour at merong pagbugso ng hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour.
Mapapansin na bahagya itong humina kumpara sa taglay nitong lakas ng hangin kaninang umaga.
Sa kabila nito, inaasahan naman na mararanasan ang mula sa mahina hanggang sa malalakas na buhos ng ulan sa mga lugar ng Batanes at lalawigan ng Cagayan bukas kasama na ang lugar ng Babuyan Islands, Apayao at Kalinga.
Samantala, posible namang magtaas na rin ang Pagasa ng tropical cyclone wing signal number 1 sa eastern portion ng Northern Luzon.
Batay pa sa pagtaya ng Pagasa, posibleng ang pinakamataas na typhoon signal ay ilagay ang babala na wind signal number 2.
Tinataya pa ng mga eksperto na ang tropical depression Neneng ay magpapatuloy sa direksyon na west southwestward bago bahagyang magbago ng westward ang direkyson mamayang gabi o bukas ng umaga.
Posible rin daw na mag-landfall ang tropical depression sa Babuyan Islands o kaya sa Batanes sa araw ng Linggo.
“Due to the surge of northeasterly surface windflow, a marine gale warning remains in effect over the seaboards of Northern Luzon and the western seaboard of Central Luzon. For more information, refer to Gale Warning #10 issued at 5:00 AM today. In the next 24 hours, the surge of the northeasterly surface windflow and the approaching tropical cyclone may also bring moderate to rough seas (1.5 to 3.5 m) over the eastern seaboards of Central and Southern Luzon. These conditions may be risky for those using small seacrafts. Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” bahagi pa ng abiso ng Pagasa.
“Tropical Depression NENENG is forecast to continue moving west southwestward before turning westward tonight or tomorrow early morning. On the forecast track, the tropical cyclone is forecast to maintain this heading until it makes landfall or may pass very close in Babuyan Islands or Batanes on Sunday. Afterwards, NENENG will move generally west northwestward and may exit the Philippine Area of Responsibility on Monday. NENENG is forecast to further intensify while moving over the Philippine Sea and may reach tropical storm category by Saturday evening or Sunday early morning.”