-- Advertisements --
Tinatayang lalakas pa ang bagyong Neneng, bago ang pagtama nito sa extreme Northern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), aabot muna ito sa tropical storm category bago mag-landfall.
Huling namataan ang bagyo sa layong 510 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.
May lakas itong 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar: Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon), Apayao, northern portion ng Abra (Tineg) at Ilocos Norte.