Napanatili ng bagyong Neneng ang taglay na lakas ng hangin matapos ang pag-landfall sa Calayan, Cagayan kaninang alas-3:50 ng madaling araw.
Sa ngayon ay nasa severe tropical storm category na ito at nagdadala ng malakas na hangin at ulan sa Northern Luzon.
Huli itong namataan sa vicinity ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos pa rin nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
May lakas ito ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Signal No. 3:
Southern portion ng Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang) at Babuyan Islands
Signal No. 2:
Nalalabing bahagi ng Batanes, natitirang lugar sa Cagayan, Apayao, northern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan), at Ilocos Norte
Signal No. 1:
Northern at central portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, San Manuel, Aurora, Luna, Cabatuan, San Mateo, Dinapigue, City of Cauayan), Kalinga, natitirang parte ng Abra, Mountain Province, northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao, Hungduan, Banaue) at northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Cervantes, Suyo, Sigay, Santa Cruz)