-- Advertisements --

Maagang inaabisuhan ng Pagasa ang publiko na paghandaan ang papalapit na tropical depression Neneng, matapos na makapasok na ito kanina sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa weather bureau, huli itong namataan sa layong 1,050 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 30 kph.