Nag-landfall na ang sentro ng bagyong Nika sa Dilasag, Aurora nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa state weather bureau, ganap na alas-8:10 ng umaga nang tumama ang mata ng bagyo sa naturang lugar.
Pangunahing pasilidad na naka-detect ng landfall ang Baler Weather Radar sa naturang probinsya.
Kaugnay nito, agad naglabas ng heavy rainfall outlook ang ahensya sa ilang mga lugar.
Aasahan kasi ang intense hanggang torrential (>200 mm) sa mga area ng Aurora, Isabela, Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga at Apayao.
Heavy to intense (100-200 mm) naman ang posibleng maranasan sa Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.
Habang moderate to heavy (50-100 mm) naman sa Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon, Nueva Ecija, Tarlac at Pangasinan.