-- Advertisements --
Tuluyan nang tinawid ng Typhoon ‘Nika’ ang kalupaan ng Luzon at kasalukuyan na itong kumikilos sa katubigang sakop ng West Philippine Sea.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa karagatang sakop ng Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 120km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 200km/h.
Kumikilos ang bagyo pa West Northwestward sa bilis na 25km/h.
Inaasahang lalabas ito sa PAR bukas ng umaga habang papasok naman sa PAR ngayong gabi ang bagyong nabuo sa labas ng PAR.