-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong Obet kahit tumatama na sa extreme Northern Luzon ang ilang bahagi nito.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 km sa silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang signal number one (1) sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).