-- Advertisements --
Posibleng mapaaga ang pagtama ng tropical depression Obet sa extreme Northern Luzon.
Ito ang iniulat ng Pagasa, matapos dumoble ang bilis ng bagyo sa nakalipas na magdamag.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 335 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 30 kph.
May taglay pa ring lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 55 kph.
Nakataas ang signal number one (1) sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).