-- Advertisements --
Nananatiling nakataas ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) dahil sa tropical depression Obet.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 745 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis lamang na 10 kph.