-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Obet ang taglay nitong lakas ng hangin, habang patuloy na nagbabanta sa Northern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,025 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.