-- Advertisements --

Asahan ang maulan at may pagbugso ng hangin sa extreme Northern Luzon.

Tumatama na kasi ang bagyo sa mga isla sa nasabing bahagi ng ating bansa.

Huling namataan ang bagyong Obet sa layong 205 km sa silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

May maximum sustained winds na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Nakataas pa rin ang signal number one (1) sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).