-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nag-courtesy call sa Caraga-Regional Disaster Risk Reduction and Management Council- Emergency Operations Center ang mga delegado mula sa Medecins Sans Frontieres o mas kilalang Doctors Without Borders.

Sa pangunguna ng head of mission na si Jean-Luc Anglade, kumuha sila ng mga update hinggil sa naging epekto ng Bagyong Odette sa Caraga Region.

Ang Medecins Sans Frontieres ay isang international humanitarian medical non-governmental organization (NGO) mula sa France.

Nakilala sila dahil sa kanilang mga proyekto sa mga magugulong lugar at mga bansang apektado ng endemic diseases at mga kalamidad.