Malaki ang paniniwala ng United Nations (UN) na minaliit lamang ng bansa ang bagyong Odette.
Sinabi ni UN Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez na napagtanto ng gobyerno na tila minaliit lamang ang nasabing bagyo.
Hindi aniya inaasahan na mas magiging matindi ang pinsala nito kaysa sa inaasahan.
Patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa gobyerno para maiabot ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo gaya ng pagkain, inuming tubig at mga gamit sa pagpapatayo ng bahay.
Isang linggo kasi matapos ang bagyo noong Disyembre 16 ay naglunsad ang UN ng kampanya para makalikom ng $107.2 milyon na tulong sa mga biktima.
Umabot aniya lamang sa 40% ng pondo ang natanggap ng bansa at nanawagan din si Gonzales sa gobyerno para maiwasan na maiiwan ang mga nasalanta ng bagyo.