-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi masisira ang kanilang paghahanda para sa halalan sa 2022 dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez na walang epekto ang bagyo sa paghahanda nila sa nalalapit na halalan.

Nagsasagawa na rin aniya ang kanilang mga field officials ng pagberipika sa mga election sites at ikinokonsidera ang nasabing mga lugar na handa na para sa nalalapit na halalan.

Gumagawa rin aniya sila ng mga kaparaanan para mahatiran ng tulong ang mga nasalanta ng bagyong Odette.