-- Advertisements --

Nagbabala ang state weather bureau na PAGASA na maaaring magdulot ng storm surge o daluyong ang bagyong Ofel sa mabababang lugar sa Northern Luzon.

Sa forecast ng state weather bureau kaninang 8am, maaaring makaranas ang mga lugar sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte at Isabela ng storm surge na may taas na 2.1 hanggang 3 meters sa sunod na 48 oras.

Sa Batanes, ibinabala na maaaring makaranas ng storm surge sa Basco, Itbayat, Ivana, Mahatao, Sabtang at Uyugan.

Sa Cagayan naman, sa Abulug, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Calayan, Claveria, Gattaran, Gonzaga, Lal-lo, Pamplona, PeƱablanca, Sanchez-Mira, Santa Ana, Santa Praxedez at Santa Teresita.

Sa Isabela naman ay sa Dinapigue, Divilacan, Maconacon at Palanan.

Ayon sa bureau, maaaring magdulot ng katamtaman hanggang sa significant damage ang naturang storm surge.

Ibinabala din ng ahensiya na maaaring makaranas ng daluyong na may taas na 1 hanggang 2 metro sa sunod na 2 araw na maaaring magresulta ng minimal hanggang sa katamtamang pinsala sa mga komunidad sa Aurora, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Inaabisuhan naman ang publiko na suspendihin muna ang lahat ng biyahe sa dagat para maiwasan ang anumang untoward incident dahil sa banta ng storm surge.