-- Advertisements --
viber image 2022 10 28 07 58 22 163

Lumakas pa ang tropical storm na si Paeng habang binabagtas nito ang direksyon na west northwest sa bahagi ng Philippines sea.

Huling namataan si bagyong Paeng, 410 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar at may taglay ito na lakas ng hangin na nasa 75 km/h na malapit sa gitna, at merong pagbugso ng hangin na umaabot sa 90 km/h.

Sa ngayon, ay kumikilos ito ng west northwestward sa bilis na 15 km/h, habang dumami pa ang mga lugar na nasa signal number 2 at signal number 1 sa Luzon Visayas at Mindanao.

Ang mga lugar na nasa signal number 2 ay ang mga sumusunod:

Luzon:
(Catanduanes, Albay, Sorsogon, ang eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa, San Jose, Tigaon, Iriga City, Saglay, Buhi).

Visayas:

Northern Samar at northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, Can-avid, at bayan ng Taft).

Samantala, ang mga lugar naman na nasa signal number 1:

Luzon:

Ang mga lugar ng Masbate kabilang ang Ticao and Burias islands, Camarines Norte, iba pang lugar ng Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon, kasama ang Pollilo Islands, Laguna, at Rizal Province.

Visayas:
Samar, iba pang bahagi ng Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, ang northern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands.

Mindanao:
Dinagat Islands, Surigao del norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands at ang northern portion of Surigao del sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait).

Ayon pa sa PAGASA, asahan na ang malalakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Paeng sa bahagi ng Visayas at Mindanao, gayundin sa lalawigan ng Bicol at mga probinsya ng MIMAROPA.

Kaya naman sa mga nasa CALABARZON, Aurora, hanggang sa Cagayan at Isabela sa region 2 kasama na rin ang Metro Maynila ay makararanas din ng pag-ulan dahil sa paglapit ng bagyong Paeng.

Itong binabantayan nating si bagyong Paeng ay may posibilidad pang lumakas mamayang hapon bilang severe tropical storm, at bukas ng madaling araw bilang isang typhoon.

Batay sa latest track at intensity forecast, posibleng magtaas pa ang PAGASA ng hanggang wind signal no. 4.

Batay pa sa pagtaya ng PAGASA, posibleng bukas ng umaga lalapit ito sa lugar ng Catanduanes, habang ang isa pang scenario, ang ikalawang landfall na posibibiliad ay sa linggo ng umaga sa Aurora Province o kaya sa east coast ng Quezon province kasama na ang Polillo Islands.

Posible rin daw ang landfall nito sa eastern portion ng Bicol region. (With reports from Bombo JC Galvez)