-- Advertisements --

Napanatili ng tropical depression Paeng ang taglay nitong lakas ng hangin, habang nananatili sa karagatan ng Pilipinas.

Naitala ang lokasyon nito sa layong 845 km sa silangan ng Eastern Visayas.

Pero maaaring tamaan ng landfall nito ang Cagayan Valley sa darating na weekend.

Sa ngayon ay taglay ng bagyong Paeng ang lakas na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 10 kph.

Maliban dito, may umiiral ding shear line na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.