-- Advertisements --
TD 21 TRACK

Bumilis pa ang bagyong papalapit sa Pilipinas habang nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,855 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 40 kph.

Kung papasok sa PAR, bibigyan ito ng local name na Ursula.

Samantala, ang low pressure area (LPA) naman na nasa teritoryo ng bansa ay magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.