-- Advertisements --
Lumakas pa ang bagyong nasa silangan ng Pilipinas, ngunit nananatili pa sa karagatang sakop ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,495 km sa silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pasilangan hilagang silangan sa bilis na 15 kph.
Inaasahang lalo pa itong lalakas habang papalapit sa ating bansa.
Bukas ng umaga, ito ay inaasahang nasa layong 1,390 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.
Hindi naman ito inaasahang tatama sa lupa ngunit makakahatak ng hanging habagat.