-- Advertisements --

Bumilis pa ang tropical storm Queenie, habang papalapit sa silangan ng Visayas.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 720 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 25 kph.

Sa ngayon, maliit na ang tyansang lumakas ito na kagaya ng bagyong Paeng.