Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang bagyo sa silangan ng Pilipinas.
Ayon sa Pagasa, bandang alas-5:00 ng umaga kanina, nang pumasok ito sa Philippine territory.
Huli itong namataan sa layong 975 km sa silangan ng Northeastern Mindanao.
May taglay na lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, patuloy naman ang paglayo ng bagyong paeng, matapos itong manalasa sa malaking bahagi ng ating bansa.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 340 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Kumikilos ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
May taglay na lakas ng hanging 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Signal No. 1:
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, western portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Lasam, Santo Niño, Piat, Tuao, Rizal), western portion ng Isabela (Cordon, City of Santiago, San Mateo, Ramon, Alicia, San Isidro, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan), northwestern portion mg Quirino (Cabarroguis, Diffun, Saguday), northern, western at southern portion ng Nueva Ecija (Cuyapo, City of Gapan, Talavera, San Leonardo, Santo Domingo, Rizal, San Isidro, Zaragoza, Llanera, Guimba, Aliaga, Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Carranglan, Quezon, San Antonio, San Jose City, Santa Rosa, Lupao, Nampicuan, Talugtug, Peñaranda, Jaen, Licab, Cabiao, Pantabangan), Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambales at western portion ng Bulacan (Hagonoy, Paombong, City of Malolos, Guiguinto, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Baliuag, Bustos, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael)