-- Advertisements --
Walang indikasyon ng paglakas sa nakalipas na magdamag ang tropical depression Querubin.
Huli itong namataan sa layong 230 km sa silangan ng Davao City o 205 km sa silangan ng Tagum City, Davao del Norte.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h.
May taglay itong 45 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 55 km/h.
Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal number one sa Davao Oriental.