-- Advertisements --

Lumakas pa ang tropical depression Quiel sa nakalipas na mga oras.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 540 km sa kanluran timog kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang hanging 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Sa ngayon ay mabagal ang pagkilos nito habang patungo sa silangan ang direksyon.

Samantala, nagdadala naman ng maulap na papawirin sa Northern Luzon ang umiiral na frontal system.