-- Advertisements --

Lumakas pa sa nakalipas na magdamag ang bagyong Quiel na nasa West Philippine Sea.

Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 445 km sa kanluran timog kanluran ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Dahil dito, itinaas na sa tropical storm category ang bagyong Quiel o ikalawang level ng lakas para sa isang sama ng panahon.

Kumikilos ito nang pasilangan timog silangan sa bilis na 10 kph.

Patuloy naman ang babala ng Pagasa sa Northern Luzon dahil sa posibilidad ng mga pag-ulan dahil sa umiiral na cold front.