-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Nakapagtala na ang Office of Civil Defense (OCD-8) ng isang death toll matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly nitong Nobyembre 1.
Sa panayam ng Bombo Newsteam mula kay Lord Byron Torrecarion, regional director ng OCD-Region 8, isang babae aniya ang nasawi sa Eastern Visayas.
Kinilala ang biktima na si Elena Apolinario, residente ng Barangay Ilo, Sto. Nino, Samar.
Ayon kay Torrecarion, nalunod ang biktima sa baybayin na malapit sa kanilang lugar.
Napag-alaman na si Apolinario ay may sakit na dementia.
Nabatid na una nang itinaas sa signal No. 3 ang bayan ng Sto. Nino sa probinsya ng Samar sa kasagsagan nang pananalasa ng supertyphoon.