-- Advertisements --
Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa southern portion ng Palawan, partikular na ang Balabac at Kalayaan Islands.
Nabatid na napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kph at6 may pagbugsong 70 kph.
Huling namataan ang sentro nito sa may coastal waters ng Rurok Island, Kalayaan, Palawan.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 35 kph.
Inaasahang maghahatid ito ng mga pag-ulan sa ilang parte ng bansa na nasa may West Philippine Sea.