Nagbuhos ng makapal na ulan ang bagyong Shanshan sa Southern Japan.
Bago pa ang pag-landfall ng naturang bagyo, ibinagsak na ng bago ang humigit-kumulang 20 inch ng mga tubig-ulan na maaaring lalo pang tataas, kasama ang mga malalakas na hangin at matataas na daluyong sa coastal area ng mga Miyazaki, Kagoshima at Ehime prefectures
Kasabay ng pag-landfall nito ngayong araw, umabot na sa 66,000 household sa Kyushu ang nawalan ng power supply.
Umabot na rin sa 6,000 mga bahay ang nilisan dahil sa labis na pag-ulan at malalakas na hangin.
Ito ay maliban pa sa una nang ginawang paglikas sa 800,000 residente ng Kagoshima prefecture
Sa pagpasok ng Huwebes, napanatili ng naturang bagyo ang 70 meters per second(252 KPH).
Ngayong araw, Aug 29, daan-daang mga domestic flight na ang kinansela, lalo ang mga biyaheng dadaan sa Southern Japan.
Batay sa inisyal na report sa Japan, isang indibidwal na ang namatay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, ilang katao ang napaulat na nawawala at ilan din ang nasugatan. Gayunpaman, patuloy pa rin itong bineberipika ng mga otoridad.