-- Advertisements --

Nag-landfall na ang cyclone “Tauktae” sa Gujarat India.

Mayroong dalang hangin na aabot sa 160 kilometer per hour ang nasabing bagyo at pagbugso ng nasa 185 kph.

Umaabot na sa 12 katao ang nasawi at ilang libong residente na rin ang inilikas dahi sa nasabing bagyo.

Nagbabala ang India weather bureau na makakaranas sila ng posibleng pagtaas ng tubig sa karagatan ng hanggang 13 talampakan.