Nagdulot ng mga pagbaha sa maraming lugar sa Bulacan ang pananalasa ng bagyong Ulysses.
Liban nito, sa pagsusuri ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) marami rin ang nawalan ng suplay ng tubig, electric supply at pagkasira ng ilang mga kabahayan.
Kaugnay nito, naglabas na rin ng rekomendasyon ang PDRRMC, na ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan lalawigan ng Bulacan ay suspendido bukas, araw ng Biyernes, Nobyembre 13.
Ayon kay Bulacan Gov. Daniel Fernando na siya ring PDRRMC chairman, nagpadagdag sa flashflood mula sa tubig sa kabundukan ay ang pagpapakawala ng tubig mula sa mga Ipo at Angat dams.
“Malakas talaga yung ulan at hangin, may mga flash flood pa. Itong mga tubig na ito ay galing talaga sa mga kabundukan na pinakanaapektuhan ay ang San Jose del Monte, San Ildefonso at San Miguel, may mga nirerescue tayo galing sa mga bubong ng mga bahay nila kagaya sa Bocaue at San Ildefonso,” ani Fernando.
Una nang iniulat ng Pagasa na ang Angat Dam (as of 1:00pm) ay nasa 213.30 na ang ater elevation kaya nasa 127 cms ang water discharge.
Ang Bustos Dam (as of 2:00pm) ay umabot sa 16.58 water elevation kaya nasa 1,325 cms ang water discharge; habang ang Ipo Dam (as of 2:00pm) ay umabot na sa 100.40 ang water elevation na naging dahil kaya nasa 235.40 cms ang ginagawang water discharge.
Samantala batay naman sa latest situational report mula sa PDRRMO, umaabot sa 4,698 families o katumbas ng 14,517 individuals ang inilikas sa 49 na mga evacuation centers mula sa 20 mga bayan ay tatlong siyudad sa probinsiya.
Sa kabila nito nasa 15 mga bayan din at tatlong siyuda ang nakaranas ng power interruption, habanga ng lahat ng mga barangays sa anim na mga bayan ang at dalawang siyudad ang merong water interruption.
Hindi naman madaanan ng mga sasakyan ang Macaiban Bridge at Pasong Tumana sa Santa Maria; ang Brgy. Bualto atd Salangan sa San Miguel; ang McArthur Highway sa bahagi ng NFA Tikay sa Malolos; Brgy. Turo, Taal Bridge NLEX at Wakas sa Bocaue: Brgy. Taboc, Niugan, Donacion, Laog at Banaban Bridge sa Angat, gayundon ang Linawan at Mt. Balagbag sa CSJDM.