(Update) TUGUEGARAO CITY – Patuloy pa rin sa pagtaas ang tubig baha sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa Cagayan Disaster Risk Reduction Management Office, umaabot na sa 23 ang mga bayan ang apektadp kung saan nasa 176 ang mga barangays ang apektado ng malawakang pagbaha.
Ito ay katumbas naman ng 11,790 pamilya na mga apektado.
Dahil dito iniutos din ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City na limitahan muna ang mga pumapasok sa lungsod bunsod nang nararanasang kalamidad.
Ang pagbaha sa probinsiya ng Cagayan ay nararanasan din umano sa mga kalapit na lugar dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat dam.
Samantala, kinumpirma naman ng PNP na apat ang nasawi kasunod nang nangyaring pagguho ng lupa sa Barangay Dabbac Grande kagabi.
Ang magkakapamilya na mga biktima ay kinabibilangan ng 19-anyos, 18, 17 at isang 16-anyos.
Sinasabing natabunan aumano ang mga ito bunsod ng landslide.
Sa kabilang dako, dalawa naman ang naiulat na namatay sa pagkalunod.
Sa ngayon habang sinulat ang balitang ito, nawalan na ring ng linya ng kumunikasyon ang nasabing lugar.