-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lampas tuhod ang baha sa bayan ng Miag-ao, Iloilo kasunod ng walang humpay na buhos ng ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Punong Barangay Sherlita Alegre ng Barangay Igtuba sa nasabing bayan, sinabi nito na pinasok ng tubig baha ang bahay ng mga residente sa lugar.

Ayon sa opisyal, kung matibay lang sana ang paggawa ng drainage sa lugar, posible na maiwasan sana ang baha.

Napag-alaman na pahirapan ang pagdaan sa kalsada ng mga motorista at maging ng mga residente sa nasabing bayan dahil sa mataas na tubig baha.