-- Advertisements --
ROME, ITALY – Inaasahan na madagdagan pa ang bilang ng mga casualties sa nangyaring pagbaha sa Italya.
Pitong bangkay na naman ang natagpuan na inaanod ng tubig-baha sa bayan ng Ventimiglia at Santo Stefano al Mare.
Dahil dito, umakyat na sa siyam ang patay dahil sa masamang panahon na naranasan ng mga residente sa lugar.
Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ng mga rescuers ang 21 na missing sa nangyaring pagbaha.